AHIHIHI TSAT KLUB : Isang Pag-balik Tanaw
Sa Pamamagitan ng makabagong teknolohiya partikular na ang Internet nag umpisa ang isang napaka gandang samahan Noong una ang room ay matatagpuan sa YAHOO MESSENGER CHAT GROUP under sya ng REGIONAL/PHILIPPINES/ USER ROOM sa pamamagitan ng isang di matukoy na kapatid nag karoon ng isang room na nag ngangalang BUKABIN (shortcut for BUKLOD-KADIWA-BINHI) Ang room na ito ang nagbigay daan upang mag kakila kilala ang maraming kapatid mula sa ibat ibang panig ng mundo doon ay regular na may nag kakantahan nag tatawanan minsan may iyakan at kung minsan.. ay napapasok din ng mga KAMBING
Sa paglipas ng mga araw dumami ng dumami ang nag pupunta.. nakiki chikka tumatambay at nanggugulo sa nasabing TSAT room ilan na rito sina ELVEN_TOUNGEZ (Orestes Oyet Consignado at KIZZTHEFROG (Raffy) ang dalawang ito ay pawang bihasa sa pag gawa ng website at sa tulong ni TIGASING_BUKLOD (Manny Davila) nabuo nila ang consepto ng paggawa ng isang BAHAY PAHINA (home page) kung saan makikita dito ang mga regular na TSATTERS ng BUKABIN Isa rin sa pioneer si ANADC08 (Ana dela cruz) ay naging kabahagi sa pag laganap ng mainit sa samahang ito.
Sa patuloy na paglago ng bilang ng pumapasok sa TSAT room naging CONTROVERSIAL ang website na BUKABIN dumating ang pagkakataon na naging KADIWA.COM pa ito na hinost ng isang nagpakilalang kapatid na nasa ibayong dagat ngunit dahil sa mahigpit na bilin ng Pamamahala na huwag gumamit ng anumang terminong may kinalaman sa Iglesia buong pusong nag pasakop ang mga pioneering members ng TSAT KLUB kasama sina NIVRAM23 (Marvin Flores ng California), XXX_SILENT_XXX (Jeffrey ng Thailand) , ELVEN AT TIGASING_BUKLOD ng PILIPINAS napagkasunduan baguhin ang pangalan mula sa BUKABIN ito ay sinimulang tawaging AHIHIHI TSAT KLUB
Nabuo ang terminong ahihihi sapagkat ito ay laging bukambibig ng mga chatter kapag sila ay natutuwa sa halip na hahaha or lolz mas nakagawian sa TSAT KLUB ang mag AHIHIHI sabay susundan ng nakatutuwang emoticon na 
Naging AHIHIHI sapagkat lahat ng kapatid ay nabibigyan ng kasiyahan habang nakikipagkilala o nakikipagkumustahan sa ibat-ibang dako ng daigdig sa pamamagitan ng ibat-ibang klase ng pagpapatawa nabibigyan ng kaluguran ang mga kapatid na nasa ibayong dagat napapawi ang kanilang kalungkutan kahit na sila ay malayo sa kanilang mga mahal sa buhay.
Dito na rin nagsimula ang sunod sunod na pagdadaupang palad or pagkikita or kilala sa tawag na EB hindi lang sa Pilipinas nagkaroon ng mga EB kundi maging sa ibayong dagat.. partikular ang mga tsatter sa HONGKONG at AMERICA.
Habang patuloy sa pag-unlad ang samahang ito una pa rin sa priority ang pagpapasakop sa Pamamahala at upang maisa-ayos at matiyak na lahat ng content na ilalabas sa BAHAY PAHINA ng AHIHIHI TSAT CLUB ay hindi lalabag sa nararapat hinirang na site advisor si MCARENAS (Marlon Mac Arenas , ng Hong Kong) patuloy namang pinagbuti ng ating mga WEBMASTERS ang bahay pahina at pinanatili itong kahali halinang puntahan dito ay naidagdag ang ilan sa mga inaabangang mga bahagi ng websites gaya ng MGA KWENTONG KAMOTE ni TSONG (by Aris Maduli na ngayon ay nasa UAE) nariyan din ang FACE of the MONTH, na tinambalan din ng FAKES OF THE MONTH at upang lubos na mapangalagaan ang mga personal na impormasyon ng mga members nagkaroon ng isang MEMBERS AREA ONLY ang website.. kung saan makikita mo ang vital info (not vital statistics take note).. ng mga kapatid nasa loob din ng MEMBERS AREA ang ilang exciting games at MGA EB PICTURES from around the world.
Napanatili ang kaayusan ng samahan. at sa kasalukuyan ay tinatayang humigit kumulang na nasa dalawang daan ang miembro ng Tsat klub na ito Naging daan din ang TSAT KLUB na ito upang mahikayat ang ilang non-INC member na umanib sa tunay na Iglesia.
Sa ngayon napakarami ang gustong maging member ng samahan ngunit sila ay kinakailangang dumaan sa matinding pag susuri at interview nina PEEKABOO at TSONG_TSANG_TSUNG ito ang paraan upang matiyak na lahat ng magiging kaanib ay may lehitimo at malinis na layunin at higit sa lahat dapat ding taglay ang matinding pagmamamahal ukol sa KAPATIRAN ng sinumang nagnanais sumapi dito.
Sa maikling panahonang mga miembro ng AHIHIHI TSAT KLUB ay nakatalatag sa ibat ibang panig ng mundo pinangungunahan ng mga tsaters mula sa PILIPINAS, USA, HONGKONG, SAUDI, UAE, CANADA, SWEDEN, SWITZERLAND, THAILAND, KOREA, DIEGO GARCIA at kung saan saan pang bansa sa ASIA, AMERICA at EUROPA.
Maraming istorya ng pag-iibigan, tampuhan, tawanan at kutyaan ang nabuo nariyan ang kung anu anong BLIND ITEMS like ROMEO and JULIET MR. TULIRO at MS. TULIRA lahat ng ito ay masusubaybayan sa masasabing isa sa pinaka active na guestbook sa buong mundo yan ang AHIHIHI GUESTBOOK.
Sa kagandahang loob ni WEEK_ENDZ (Glenmore Vinoya ng California) ang AHIHIHI TSAT KLUB ay nagkaroon na ng permanenteng tahanan at ito ay matatagpuan sa address na www.ahihihi.org .
Ngayon wala ng mga popup banners at unlimited na ang ating space sa pag popost ng entry sa guest book na di gaya noong araw na may mga pagkakataong.. di mo masusubaybayan ang EXCITING ENTRIES sa guestbook dahil sa sobrang laki ng TRAFFIC na naidudulot nito sa mga FREE WEBHOSTING company, napipilitan silang iblock.
Bilang wakas, ang tanging hangarin ng AHIHIHI TSAT KLUB ay makapagdulot ng kasiyahan at kagalakan sa buhay kasapi man o nagnanais pa lang at upang mapanatili ang pag-iibigan magkakapatid, maraming mang pagsubok ang nararanasan ng bawat isa subalit dahil sa AHIHIHI di man ganap na malunasan naiibsan naman ang mga ilan sa mga suliraning bumabalakid sa sino mang nagiging bahagi nito.
Lumipas man ang panahon hindi kaila sa bawat isang kasapi na naging bahagi ng buhay nila ang TSAT KLUB naito mananatili sa puso't isipan ang lahat ng kagalakan dulot ng AHIHIHI sa ating mga buhay. Naway magpatuloy ang lahat sa kasiglahan at pag-iibigang magkakapatid at manatili lagi sa ating mga puso ang pananampalatayang ipinagkaloob sa atin ng AMA, magpatuloy sa kasiglahan sa paglilingkod sa ating Panginoong Diyos
MABUHAY ANG AHIHIHI TSAT KLUB SA KANYANG UNANG ANIBERSARYO.... SABAY SABAY TAYONG LAHAT SA PAG SASABI NG..AHIHIHI FOR.. LIFEEEEEEEEEEEEEE!! (to the tune of DWRR)